Sa iyo Homer, maraming salamat sa pagdalaw sa aking munting kubo. Iba talaga ang Pinoy sa larangan ng Sining. Talagang malikhain.
Nagustuhan ko ang "Gitara" na ipinamahagi mo sa iyong kapwa. Mawalang-galang po, taos-puso ko pong inilantad dito sa aking sanlibutan ang "Gitara" na simbolo ng kasiyahan sa buhay.
Naalaala ko tuloy ang mga harana sa makalumang panahon tulad ng "O, Ilaw sa Gabing Madilim", "Buksan mo ang Bintana at Ako'y Dungawin', "O, Tanglaw" atbp mga tugtuging pawang sariling atin.
Pasisnya na kung nahuli man ako sa botohon sa iyong kaharian. Talagang marami talaga akong pinagkaabalahan sa buhay...kidhat!
Hanggang sa muli kabayan at saludo ako sa galing at husay ng kapwa ko Pilipino.
Kahit 'andito man ako sa bansang banyaga umiiral pa rin ang aking pagka-Maharlika. Pilipino ako sa puso, isip at diwa. Pawang dugo ni Dagohoy ang nanalaytay sa aking kaugatan.
Mabuhay ang Pinoy!!!